|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Zhai Kun, Dalubhasa sa isyu ng Timog Silangang Asiya ng China Institute of Contemporary International Relations, na ang pokus ng naturang porum ay pagpaplano ng blueprint ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN sa darating na 10 taon.
Sa seremoniya ng naturang porum, ipinahayag ni Surapong na sa darating na 10 taon, lalo pang palalakasin ng Tsina at ASEAN ang pagtitiwalaang pulitikal at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at patitingkarin nito ang mahalagang papel para sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Hinggil sa lalo pang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas na lumahok sa naturang porum na sa mula't mula pa'y, ang ASEAN ay pangunahing tagasulong ng diplomatikong patakaran. Sinabi ni Wang na nitong nakaraang 10 taon, mainam ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN; magkakasamang napangalagaan ng dalawang panig ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito; narating ng dalawang panig ang komong palagay na dapat isakatuparan ang magkasamang pag-unlad sa pamamagitan ng kooperasyon; at nilulutas ang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo.
Sa proseso ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN, mayroon pagkakaiba ng palagay at alitan, pero buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na hindi maapektuhan nito ang pangkalahatang kalagayan ng relasyon ng dalawang panig. Ipinahayag ni Surapong na ang pangangalaga sa mapayapang kapaligirang panlabas ay komong target ng dalawang panig. Ipinahayag ni Sihasak Phuangketkeow, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Thailand na sa kabuuan, mabuti ang relasyon ng Tsina at ASEAN. Ang kooperasyon ay naghahatid ng malaking benepisyo para sa parehong, ang pagkakaiba naman ay nasa napakaliit na larangan lamang.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |