Ngayong araw, ika-12 ng Agosto, ay ika-35 anibersaryo ng paglalagda sa Kasunduan ng Tsina at Hapon sa Kapayapaan at Pagkakaibigan. Sinabi ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat buong taimtim na alalahanin at sundin ang kasunduang ito.
Dagdag pa ni Hong, sa kasalukuyan, may malaking kahirapan sa relasyong Sino-Hapones. Dapat aniya sundin ng dalawang bansa ang kanilang apat na dokumentong pulitikal, at igiit ang ideyang "salamin ang kasaysayan sa pagtanaw sa hinaharap," para maayos na hawakan ang mga problema sa relasyong Sino-Hapones, at panumbalikin ang normal na pag-unlad ng relasyong ito.
Salin: Liu Kai