Ayon sa pahayag nyayong araw ng Ministring Panlabas ng Tsina, dumalaw kahapon at ngayong araw sa Tsina si Saiki Akitaka, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hapon.
Sa kanyang pananatili sa Tsina, magkahiwalay na nakipag-usap si Saiki kina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas.
Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa relasyong Sino-Hapones. Bukod dito, ipinaliwanag din nila ang kani-kanilang paninindigan hinggil sa mga umiiral na problema na kinakaharap ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ernest