Kaugnay ng ika-35 anibersaryo ng paglalagda sa Kasunduan ng Tsina at Hapon sa Kapayapaan at Pagkakaibigan, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Kuni Sato ng Ministring Panlabas ng Hapon, na nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin ang relasyon sa Tsina.
Ipinahayag ni Sato na ang pagpapasulong ng relasyong Sino-Hapones batay sa apat na pundamental na dokumento ng dalawang bansa na kinabibilangan ng naturang kasunduan ay angkop sa interes ng kapwa bansa, ng rehiyon, at komunidad ng daigdig. Dagdag pa niya, dapat buong sikap na iwasang makaapekto sa pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Hapones ang ilang problema sa pagitan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai