Sa pagtatagpo kahapon sa Tokyo nina Cheng Yonghua, Embahador ng Tsina sa Hapon, at Yasuo Fukuda, dating Punong Ministro ng Hapon, magkasama silang nagbalik-tanaw sa kasaysayan ng nilagdaang "Sino-Japanese Treaty for Peace and Friendship" 35 taon na ang nakararaan. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa kasalukuyang relasyong Sino-Hapones.
Sa kanilang pagtatagpo, sinabi ni Cheng na ayon sa isang poll kamakailan, grabeng lumala ang damdamin sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, ngunit lubos nilang pinahahalagahan ang kanilang relasyon. Dapat aniyang magsikap ang dalawang panig para mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Yasuo Fukuda na dapat aktibong isagawa ng dalawang panig ang diyalogo at pagsasanggunian para mapalalim ang pagtitiwalaan at mapasulong ang maayos na paglutas sa may-kinalamang isyu.
Salin: Li Feng