|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Tsina, lalahok si Pangulong Xi Jinping sa Ika-8 G20 Summit na gaganapin sa St. Petersburg, Rusya, mula ika-5 hanggang ika-6 ng Setyembre.
Ang G20, na itinatag noong 1999, ay binubuo ng 20 pangunahing ekonomiya ng daigdig na kinabibilangan ng 19 bansa at Unyong Europeo.
Pagkatapos, dadalo rin ang Pangulong Tsino sa Ika-13 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Kasaping-bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idaraos sa Bishkek, Kyrgyzstan, sa ika-13 ng Setyembre.
Ang SCO, na itinatag noong 2001, ay binubuo ng Tsina, Rusya, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan at Uzbekistan.
Dadalaw rin si Pangulong Xi sa Turkmenistan, Kazakhstan, Uzbekistan at Kyrgyzstan mula ika-3 hanggang ika-13 ng Setyembre.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |