Binuksan kahapon ang ika-8 Summit ng G20 sa Saint Petersburg, Rusya. Dumalo sa summit ang mga lider ng mga kasaping bansa at mga lider ng mahahalagang organisasyong pandaigdig na na gaya ng UN, EU, World Bank at iba pa, at tinalakay nila ang paksang "pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan at employment."
Pinanguluhan ang Summit ni Vlładimir Putin, Pangulo ng Rusya. Ipinahayag niyang itinakda ng mga lider ang isang serye ng hakbangin bilang tugon sa pandaigdig na krisis na pinansiyal sa Summit noong isang taon sa Mexico, at hanggang sa kasalukuyan, gumaganap ang mga hakbangin ng positibong papel at bumubuti ang kalagayan ng kabuhayang pandaigdig. Ang mga pinakamalalang isyu ay kung hindi man nalutas ay nasa kontrol na.
Aniya pa ang pagpapabalik ng kabuhayan sa sustenable at balanseng paglaki ay ang pinakamahalagang tungkulin sa kasalukuyan.