Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider ng Bansang BRICS, nag-usap

(GMT+08:00) 2013-09-06 10:53:11       CRI

Dumalo kahapon sa Saint Petersburg si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa di-pormal na summit ng mga bansang BRICS, kasama nina Pangulong Dilma Rousseff ng Brazil, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Punong Ministrong Manmohan Singh ng India at Pangulong Jacob G.Zuma ng Timog Aprika. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa pagtutulungan ng mga bansang BRICS, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Ipinahayag ng mga kalahok na umaasa silang maisusulong pa ang reporma ng sistemang pinansyal ng daigdig, lalo na ang reporma ng IMF, mapapabilis ang pagtatayo ng BRICS Development Bank, patuloy na mababawasan ang trade protectionism, at mapapasulong ang Doha Round Talks ng World Trade Organization(WTO).

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>