Nagtagpo kahapon sa Saint Petersburg, Rusya ang mga Pangulo ng Tsina at Rusya, lumagda rin sila sa kasunduan hinggil sa kooperasyon sa enerhiya.
Sa pagtatagpo, sinabi ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina na umaasa siyang ibayong mapapasulong ng dalawang panig ang kooperasyon sa enerhiya, abyasyon at teknolohiyang militar para magkasamang maharap ang bagong hamon at banta. Nananalig siyang ang kooperasyon ng Tsina at Rusya ay tiyak na patuloy at mabisang uunlad batay sa matatag na pundasyon, at ang partnership na may komprehensibong estratehikong kooperasyon ay aangat sa mas mataas na lebel.
Ipinahayag naman ni Vlładimir Putin, Pangulo ng Rusya ang kanyang kasiyahan sa mabilis na paglalim ng relasyon ng Rusya at Tsina. Aniya, ang mga kasunduang lalagdaan ay mahalaga para sa pangmatagalan at matatag na kooperasyon ng dalawang bansa.
salin:wle