Sa ika-8 Summit ng G20 na binuksan kahapon sa saint Petersburg, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina na patuloy na paiiralin ng kanyang bansa ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma at estratehiya ng pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. May kondisyon at kakayahan aniya ang Tsina na maisakatuparan ang patuloy at malusog na pag-unlad ng kabuhayan.
Binigyan-diin ni Xi na isinasagawa ng Tsina ang komprehensibong pag-aaral sa pagpapalalim ng reporma, para mapasulong ang reporma ng sistema sa kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan at konstruksyong ekolohikal. Palalakasin aniya ng Tsina ang konstruksyon sa sistemang pampamilihan para mapatingkad aniya ang papel ng pamilihan sa alokasyon ng yaman. Palalalimin din ng Tsina ang reporma sa exchange rate para maisakatuparan ang full convertibility ng RMB capital account. Ibayo pang pabubutihin din ng Tsina ang batas at regulasyon para makalikha ng makatarungang kapaligirang pambatas sa negosyo at kalakalan ng mga bahay-kalakal sa Tsina.
salin:wle