Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Afghanistan, 3 kawal nito ang pinatay ng isang kawal ng tropang panseguridad ng Afghanistan sa dakong silangan ng bansang ito.
Ayon sa tadhana ng NATO, hindi ipapalabas ang pangalan at nasyonalidad ng naturang 3 nasawing kawal. Ayon naman sa isang opisyal ng Afghanistan na ayaw magpakilala, ang nasabing insidente ay naganap sa isang pagsasanay militar. Ang 3 pinatay na kawal ay mula sa Amerika at ang may kagagawan ay agaran ding napatay pagkatapos ng insidente.
Salin: Ernest