Sa Bali Island, Indonesia — Kinatagpo dito kaninang madaling araw ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), si Vincent Siew, Honorary Chairman ng Pundasyon ng Komong Pamilihan ng Magkabilang Pampang ng Taiwan Straits.
Sa pagtatagpo, tinukoy ni Xi na ang pagpapahigpit ng pagtitiwalaang pulitikal, at pagpapatibay ng pundasyon ng komong pulitika ng magkabilang pampang, ay susi para sa paggarantiya sa mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang panig.
Ipinahayag naman ni Vincent Siew na nitong limang (5) taong nakalipas, natamo ng pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ang maraming bunga. Sa harap ng bagong hamon na dulot ng kabuhayang pandaigdig, dapat palawakin ng magkabilang pampang ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan para mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng kanilang relasyon.
Salin: Li Feng