Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino, nakipag-usap sa mga lider ng Myanmar, Malaysia, Australia at Amerika

(GMT+08:00) 2013-10-10 09:17:59       CRI
Sa magkahiwalay na okasyon sa Bandar Seri Begawan, Brunei, nakipag-usap kahapon si Premyer Li Keqiang ng Tsina kina Pangulong Thein Sein ng Myanmar, Punong Ministrong Najib Tun Razak ng Malaysia, Punong Ministrong Tony Abbott ng Australia, at Kalihim ng Estado John Kerry ng Estados Unidos.

Sa pakikipag-usap kay Thein Sein, sinabi ni Li na positibo ang Tsina sa pagpapasulong ng Myanmar sa proseso ng pambansang konsilyasyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar para pangalagaan ang katatagan sa rehiyon ng hanggahan ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Thein Sein na bilang tagapangulong bansa ng ASEAN sa taong 2014, magsisikap ang Myanmar para pasulungin ang relasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN.

Nang kausapin si Najib Tun Razak, sinabi ni Li na sa bisperas ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Malaysia para kapuwa pasulungin ang estratehikong pakikipagtulungan ng Tsina sa Malaysia at ASEAN sa ibat-ibang larangan. Ipinahayag naman ni Najib na positibo ang Malaysia sa mungkahi ni Li sa 10+1 Summit, tungkol sa pagpapalakas ng naturang kooperasyon. Nakahanda aniya ang kanyang bansa para sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at ASEAN.

Sa pakikipag-usap kay Tony Abbott, sinabi ni Li na umaasa siyang susulong ang kooperasyon ng Tsina at Australia sa larangan ng kabuhayan, kalakalan at pinansya, at pabibilisin ang free trade agreement negotiation. Sinabi naman ni Abbott na positibo ang kanyang bansa sa pagpapabilis ng talastasang nabanggit.

Nang katagpuin si John Kerry, ipinahayag ni Li na sinusubaybayan ng Tsina ang isyu ng debt deadline ng Amerika. Aniya, umaasa siyang palalawagin ng Amerika ang high-tech products export papunta sa Tsina. Sinabi naman ni Kerry na bilang importanteng cooperation partner ng Amerika, positibo ito sa kaunlaran ng Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>