Binuksan ngayong araw sa Warsaw ang Ika-19 na Pulong ng mga Signatoryong Panig ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at Ika-9 na Pulong ng mga Signatoryong Panig ng Kyoto Protocol.
Sa pulong sa Doha noong taong nakalipas, narating ang isang komong palagay. Ayon dito, mula sa 2013 hanggang 2015, dapat maglaan ang mga maunlad na bansa ng di-kukulangin sa 30 bilyong dolyares para itatag ang Green Climate Fund (GCF) para magbigay ng tulong sa mga umuunlad na bansa na harapin ang pagbabago ng klima. Pero, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa tinutupad ng mga maunlad na bansa ang nasabing pangako. Inaasahan namang matatamo ang progreso sa isyung ito sa pulong sa Warsaw.
salin:wle