Hinimok kahapon ni Josh Ernest, Tagapagsalita ng White House, ang Afghanistan na lumagda sa bilateral na kasunduang panseguridad para mapadali ang pagtatakda ng Amerika at mga kaalyadong bansa ng mga gawain pagkatapos ng taong 2014.
Ayon sa burador ng nasabing kasunduan, bibigyan ng Afghanistan ng Immunity mula sa prosekusyonang mga tropa ng Amerika na itinalaga sa bansang ito. Bukod dito, ipapaliwanag ang mga aktuwal na nilalaman ng kooperasyong militar ng dalawang bansa na kinabibilangan ng paggamit ng mga base sa Afghanistan ng mga tropang Amerikano, kooperasyon ng mga hukbong panghimpapawid ng dalawang bansa, at pagpapalitan ng impormasyon.
Salin: Ernest