Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ASEAN-China Centre, ipinagdiwang ang ika-2 anibersaryo

(GMT+08:00) 2013-12-18 17:41:05       CRI

Kahapon, dito sa Beijing, idinaos ng ASEAN-China Centre ang preskon bilang pagdiriwang sa ika-2 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Lumahok sa naturang preskon ang mga mataas na opisyal mula sa Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan nina Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, H.E. Magdalene Teo, Embahador ng Brunei sa Tsina, at Mr Arthayudhs, Puno ng Departamento ng ASEAN ng Ministring Panlabas ng Thailand. Bukod dito, lumahok din sa naturang preskon ang mga 400 personahe na kinabibilangan ng mga opisyal mula sa kinauukulang departamento ng pamahalaang Tsino, mga opsiyal ng ASEAN sa Tsina, mga kinatawan mula sa sirkulo ng komersyo at mass media ng mga bansang ASEAN at iba pa.

Sinabi ni Ma Mingqiang, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Centre na sa 2013, ang pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam at Thailand, at ang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN ay dumalaw sa ASEAN China Centre; Pagkatapos manungkulan bilang Ministrong Panlabas, si Wang Yi ay dumalaw din sa ASEAN China Centre. Ito ay lubos na nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga at buong lakas na pagkatig ng pamahalaan ng Tsina at mga pamahalaan ng mga bansang ASEAN sa ASEAN-China Centre.

Bukod dito, sinabi rin ni Ma na sa mula't mula pa'y, nagsisikap ang ASEAN-China Centre para pasulungin ang pag-uunawaan, pagtitiwalaan, pagkakaibigan at kooperasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Idinaos ng ASEAN-China Centre ang isang serye ng akdibidad sa kalakalan, pamumuhunan, edukasyon, kultura, turismo, impormasyon at iba pang larangan, at natamo ang aktibong progreso. Itinatag ang kooperasyon ng mahigit 100 organo ng mataas na edukasyon ng Tsina at bansang ASEAN; bukod dito, idinaos rin ng ASEAN-China Centre ang isang serye ng aktibidad hinggil sa pagpapalitang pangkultural na nagpasulong ng malalim na kaalaman sa mga mamamayan ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Sinabi rin ni Ma na noong ika-9 ng Oktubre ng taong ito, idinaos ang Ika-16 na pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN na nagharap ng mas mataas na pag-asa sa ASEAN-China Centre. Ipinahayag ni Ma na patuloy na magsisikap ang sentrong ito, upang ipagkaloob ang mas mabuting serbisyo para sa pagpapalakas ng pagpapalitang pangkaibigan ng Tsina at ASEAN at kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan, at magbigay ng bagong ambag para sa malalim na pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>