Ayon sa ulat ng Business Mirror, dahil sa malaking kapinsalaang dinulot ni Yolanda, mapipilitang mga-angkat ang Pilipinas ang bigas mula sa bansang dayuhan para payamanin ang reserba.
Pinagtibay na ng National Food Authority (NFA) ang kasunduan ng pagaangkat ng 500 libong toneladang bigas. Pero, ayon sa pagtaya ng NFA, dahil kumukunsumo ang Pilipinas ng 34 libong toneladang bigas bawat araw, ang nasabing pangkagipitang pagaangkat ng bigas ay puwedeng makatugon sa pangangailangan para sa 14.7 araw lamang. Kaya, iminungkahi ng NFA sa mga mamamayan na iba-ibahin ang konsumo ng pagkain para mapahupa ang presyur sa suplay ng bigas.