Ayon sa ulat kahapon ng Dongguan Entry-Exit Inspection and Quarantine Burean sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, umalis nang araw ring iyon ng Dongguan patungong Pilipinas ang isang pangkat ng limang daang mobile houses na ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino sa pamahalaang Pilipino, bilang tulong na materyal sa mga lugar sinalanta ni super typhoon Yolanda.
Pinagkatiwalaan ng pamahalaang Tsino ang Red Cross Society of China sa pagbili at paghahatid ng naturang mga mobile houses. Isinagawa naman ng Dongguan Entry-Exit Inspection and Quarantine Burean ang inspeksyon sa lahat ng mobile houses, para maigarantiyang umabot ang mga ito sa pamantayan ng mga tulong na materyal.
Salin: Liu Kai