Iniabuloy kamakalawa sa Tacloban, lugar na grabeng naapektuhan ng super typhoon Haiyan (Yolanda) ng China Red Cross Society ang mga kagamitang panaklolo, intalasyong medikal at gamot sa Philippine Red Cross Society. Ang mga itop ay nagkakahalaga ng 7.71 milyong Php.
Si Richard Gordon, Tagapangulo ng Philippine Red Cross Society ang dumalo sa seremonya ng paglilipat. Nagpahayag siya ng pasasalamat sa panig Tsino at sinabi niyang tiyak na pamamahala at gagamitin nang mabuti ng kanyang organisasyon ang mga materyal na iniabuloy ng panig Tsino para tulungan ang mga apektadong mamamayan.
Naglakbay-suri naman si Gordon sa Tacloban National Agricultural School na itinatag sa tulong ng China Red Cross Society. Sinabi niyang nang hmarap sa kalamidad ang Pilipinas, nagbigay ng tulong ang China Red Cross Society na parang kapatid. Ang 10 libong metro kuwadradong pamsamantalang paaralan na itinayo nila, kahit para sa pansamantalang paggamit, ay de-kalidad at ang mga ito ay maaring gamitin na panmatagalang arkitektura. Aniya pa, pinasasalamatan ng puno ng paaralan ang mga ginawa ng China Red Cross Society.