Kinondena kahapon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) at Amerika ang teroristikong pag-atake ng Taliban sa Kandahar, kabisera ng Afghanistan.
Ang naturang teroristikong pag-atake ay naganap kamakalawa ng gabi sa isang restawran sa Kandahar. Ito ay nagresulta sa pagkamatay ng 21 katao na kinabibilangan ni Wabel Abdallah, Kinatawan ng International Monetary Fund (IMF) sa Afghanistan, 3 UN staff at ibang 9 na dayuhan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Anders Fogh Rasmussen, Pangkalahatang Kalihim ng NATO, ang pakikiramay sa mga biktima at kanilang mga kamag-anak, ipinahayag din niya ang matinding pagkondena sa Taliban.
Bukod dito, magkahiwalay ding nagpalabas ng pahayag ang White House at Kagawaran ng Estado ng Amerika para kondenahin ang aksyon ng Taliban. Hinimok din ng panig Amerikano ang Taliban na itigil ang marahas na aksyon at isagawa ang talastasang pangkapayapaan sa pamahalaan.
Salin: Ernest