Pagkatapos ng pag-usap kahapon sa New Delhi nina Punong Ministro Manmohan Singh ng India at Pangulong Hamid Karzai ng Afghanistan, ipinahayag ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng India na igagalang ng kanyang bansa ang anumang desisyon ng Afghanistan na may kinalamang kasunduang panseguridad nito at ng Amerika.
Ipinahayg pa niya na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig ang kahalagahan ng nasabing kasunduan sa katatagan at katiwasayan ng Afghanistan at naniniwala aniya siyang pipiliin ni Pangulong Karzai ang pinakamagandang desisyon para sa kanyang bansa.
Bago ang naturang pag-usap, ipinahayag ni Karzai sa Indian media na hindi siya lalagda sa nasabing kasunduan, maliban na lamang kung maigagarantiya ng kasunduang ito ang kapayapaan at kaligtasan ng mga Afghani.
Salin: Ernest