Nanawagan kahapon si Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina sa iba't-ibang may-kinalamang panig sa South China Sea na gumawa ng mas maraming bagay para sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan, at pagpapasulong ng kooperasyon.
Ani Hong, iginigiit ng panig Tsino na lulutasin nito ang may-kinalamang hidwaan sa pamamagitan ng direktang pakikipagtalastasan sa mga kinauukulang bansa. Sa mula't mula pa'y nagsisikap ang Tsina para magkakasamang maisakatuparan kasama ng mga may-kinalamang bansa ang "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea." Ito aniya ay naglalayong pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Salin: Li Feng