Ipinahayag kahapon ni Alexander Lukashevich, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya na huwag agad maging negatibo sa takbo ng ika-2 talastasang pangkapayapaan ng Geneva na may kinalaman sa isyu ng Syria. Hindi rin niya alam kung bakit ipinahayag ng mga may kinalamang panig na bigo ang unang dalawang round ng talastasan.
Sa isang pahayag na ipinalabas sa website ng Ministring Panlabas ng Rusya, nanawagan si Lukashevich sa mga may kinalamang panig na huwag magmadali sa pagbibigay ng konklusyon, at kung isinasa-alang-alang ang progresong natamo sa pagpapahupa ng humanitarian crisis, dapat patuloy na magsikap ang iba't ibang panig para mapayapang lutasin ang isyu ng Syria.