Sinimulan kahaponni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina ang kanyang pagdalaw sa Pransya at kinatagpo siya ni François Hollande, Pangulo ng Pransya.
Ipinahayag ni Hollande na may malawak na komong interes ang Pransya at Tsina at lubos na pinahahalagahan ng Pransya ang relasyon sa Tsina. Pinananabikan niya ang pagdalaw ng lider ng Tsina sa kanyang bansa bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatac ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Yang na nakahanda ang Tsina na ibayo pang pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas at walang tigil na paunlarain ang relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na lebel.