Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi, Obama nag-usap sa telepono

(GMT+08:00) 2014-03-10 14:36:04       CRI

Nag-usap ngayong araw sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Amerika. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at kalagayan ng Ukraine.

Ipinahayag ni Xi na isang serye ng komong palagay ang narating nila ni Obama sa kanilang dalawang pagtatagpo noong 2013. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ang panig Amerikano, na panatilihin ang panlahat na direksyon ng pagpapasulong ng makabagong relasyon ng Tsina at Amerika bilang dalawang malalaking bansa.

Ipinahayag naman ni Obama na ang kasalukuyang taon ay ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika. Umasa aniya siyang makapagtatamo ang dalawang bansa ng mga bagong bunga sa kanilang pagtutulungan sa mahahalagang isyu.

Ipinahayag din ni Obama ang kanyang kalungkutan sa nawawalang eroplano ng Malaysia Airlines kung saan dalawa't katlo (2/3) ng 239 na pasahero ay mga mamamayang Tsino. Nakahanda aniya ang Amerika na makipagtulungan sa Tsina sa paghahanap at pagliligtas.

Ipinahayag din ni Obama ang kanyang kondemnasyon sa teroristikong pag-atake noong unang araw ng Marso sa Kunming, siyudad sa dakong timog-kanluran ng Tsina kung saan 29 ang namatay at mahigit 140 ang nasugatan.

Kaugnay ng isyu ng Ukraine, ipinahayag ni Obama ang paninindigan ng Amerika hinggil dito. Ipinahayag naman ni Xi ang pananangan ng Tsina sa obdyektibo at makatarungang atityud sa isyung ito. Ipinagdiinan ng pangulong Tsino na masalimuot ang kalagayan sa Ukraine, at ang pinakamahalagang dapat gawin ng iba't ibang panig ay ang pagtitimpi para maiwasan ang paglala ng situwasyon.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>