Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dahilan ng Tsina sa pagtanggi sa arbitrasyon sa isyu ng South China Sea

(GMT+08:00) 2014-04-01 15:36:08       CRI

Inulit ngayong araw ng komentaryo ng People's Daily na makatwiran ang pagtanggi o di-pagdalo ng panig Tsino sa arbitrasyon na unilateral na iniharap ng Pamahalaang Pilipino hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS).

Anang komentaryo, pinaninindigan ng Pamahalaang Tsino na ang nukleo ng alitan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa isyu ng SCS ay may kinalaman sa soberanya sa ilang isla at reef sa Nansha Islands at sa overlapping claims ng hurisdiksyon ng katubigan sa South China Sea.

Tinukoy ng komentaryo na ang alitan sa soberanyang panteritoryo ay hindi malulutas batay sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Bukod dito, noong 2006, nagpalabas ang Tsina ng isang may kinalamang pahayag batay sa UNCLOS. Ayon sa pahayag, ang ganitong alitan hinggil sa hanggahang pandagat at karapatang pangkasaysayan ay hindi sakop ng UNCLOS compulsory dispute settlement mechanism.

Palagiang naninindigan ang Tsina na ang alitan hinggil sa isyu ng SCS ay kailangang lutasin sa pamamagitan ng konsultasyon at negosasyon sa pagitan ng mga may direktang kinalamang bansa. Mababasa ito sa mga kasunduan na narating ng Tsina at Pilipinas at sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas.

Ipinagdiinan ng komentaryo na nananatiling bukas ang pinto ng Tsina sa pakikipag-usap sa Pilipinas hinggil sa isyu ng SCS. Hinimok anito ng Pamahalaang Tsino ang Pamahalaang Pilipino na sumunod sa pangako nito sa mga narating na kasunduan ng dalawang bansa at bumalik sa bilateral na pagsasanggunian.

Noong ika-22 ng Enero, ipinaalam ng Pamahalaang Pilipino sa Pamahalaang Tsino na isusumite nito ang alitan sa SCS sa UNCLOS compulsory dispute settlement mechanism.

Noong ika-30 ng Marso, pormal na isinumite ng Pamahalaang Pilipino ang arbitrasyon sa isang pandaigdig na tribunal.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>