Kaugnay ng isinumiteng memorial ng Pamahalaang Pilipino para sa international arbitration hinggil sa alitang panteritoryo nila ng Tsina sa South China Sea (SCS), ipinalalagay ni Ibrahim Yusuf, chairman of the executive board ng Indonesian Council on World Affairs, na ayon sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas, ang alitan hinggil sa isyu ng SCS ay kailangang lutasin sa pamamagitan ng negosasyon sa pagitan ng mga may direktang kinalamang bansa. Sa kasalukyan, nagsisikap ang Tsina at ASEAN para marating ang Code of Conduct (COC) batay sa DOC, kaya, hindi tumpak ang ginawa ng Pamahalaang Pilipino sa ganitong panahon.
Ipinahayag naman ni Hamzah Bin Ahmad, dalubhasa sa Law of the Sea mula sa University of Malaya na angkop sa pandaigdig na batas ang di-pagtanggap at di-pagdalo ng Tsina sa international arbitration. Noong 2006, nagpalabas ang Tsina ng isang may kinalamang pahayag batay sa UNCLOS. Ayon sa pahayag, ang ganitong alitan hinggil sa hanggahang pandagat at karapatang pangkasaysayan ay hindi sakop ng UNCLOS compulsory dispute settlement mechanism.
Ipinalalagay naman ni Sok Touch, Presidente ng Khemarak University ng Kambodiya na ang ginawa ng Pamahalaang Pilipino ay makakapinsala sa relasyong Sino-Pilipino.