Nilagdaan kahapon ang kontrata ng Australian Transport Safety Bureau at Fugro N.V., isang kompanya na nagkakaloob ng geotechnical, survey at geoscience services para isagawa ng Fugro ang seafloor mapping sa rehiyong-pandagat kung saan posibleng bumagsak ang MH370 ng Malaysia Airlines.
Ayon sa balita ng Joint Agency Coordination Center (JACC) kahapon, umabot sa 6,000 metro ang pinakamalalim na lalim ng nasabing mga rehiyon. Anito, ang seafloor mapping ay makakatulong sa mga tao na matanto ang hugis, lalim, at komposisyon ng mga rehiyon. Alinsunod sa plano, sinimulan ang gawain ng paghahanap at pagliligtas sa Agosto, dagdag nito.
Salin: Andrea