Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Di-pagtugon ng Tsina sa arbitrasyon kaugnay ng SCS, legal—dalubhasang Tsino

(GMT+08:00) 2014-06-23 13:55:17       CRI

Inulit kamakalawa ni Wu Shicun, Presidente ng National Institute for South China Sea Studies ng Tsina, na nababatay sa pandaigdig na batas ang hindi pagtanggap at hindi paglahok ng Pamahalaang Tsino sa arbitrasyon hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS) na inihain ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration na nakabase sa Hague.

Ipinahayag ni Wu ang nasabing paninindigan sa Ikatlong World Peace Forum na binuksan kahapon dito sa Beijing.

Inulit ni Wu na naninindigan ang Pamahalaang Tsino na ang nukleo ng alitan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa isyu ng SCS ay may kinalaman sa soberanya sa ilang isla at reef sa Nansha Islands at sa overlapping claims ng hurisdiksyon sa katubigan ng South China Sea.

Aniya pa, ang alitan sa soberanyang panteritoryo ay hindi malulutas batay sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Bukod dito, noong 2006, nagpalabas ang Tsina ng isang may kinalamang pahayag batay sa UNCLOS. Ayon sa pahayag, ang ganitong alitan hinggil sa hanggahang pandagat at karapatang pangkasaysayan ay hindi sakop ng UNCLOS compulsory dispute settlement mechanism.

Mababasa aniya sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas, na ang mga alitang may kinalaman sa SCS ay kailangang lutasin ng mga may direktang kinalamang bansa sa pamamagitan ng mapagkaibigan at mapayapang talastasan.

Naninindigan ang dalubhasang Tsino na ang unilateral na paghahain ng Pilipinas ng arbitrasyon ay magpapasalimuot lamang ng isyu ng SCS.

Nanawagan siya sa mga may direktang kinalamang bansa na pabilisin ang pagbalangkas ng Code of Conduct in the South China Sea (COC) para gawin itong mekanismo ng pagpigil at pagkontrol sa mga alitan.

Kaugnay ng pagtutulungan sa rehiyon ng SCS, iminungkahi ng dalubhasang Tsino na kailangang simulant ng mga direktang may kinalamang bansa ang pagtutulungan sa mga larangang hindi kasinsensitibo ng isyung panteritoryo, na gaya ng pagtatatag ng mekansimo bilang tugon sa pagtagas ng langis, mekanismo ng magkakasamang paghahanap at pagliligtas sa dagat, pangangalaga sa pagkakaiba-iba ng mga buhay na bagay sa karagatan, at magkakasamang paggagalugad sa langis at natural gas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>