Si Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Depensa ng Tsina
Inulit kahapon ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Depensa ng Tsina na ang pangangalaga sa katatagan ng South China Sea (SCS) ay angkop sa interes ng lahat ng mga may kinalamang panig.
Winika ito ni Yang sa isang regular na preskon.
Aniya pa, palagiang naninindigan ang Tsina na lutasin ang mga alitan sa SCS sa pagitan ng mga direktang may kinalamang bansa sa pamamagitan ng talastasan. Kailangan din aniyang sundin ng mga bansa ang katotohanang pangkasaysayan at batas na pandaigdig.
Ipinahayag din ng tagapagsalitang Tsino ang protesta sa pananakop ng Pilipinas sa Zhongye Island. Inulit din niya ang soberanya ng Tsina sa Nansha Islands.