Ipinahayag kahapon ng Palestinian Islamic Resistance Movement (Hamas) na narating nila ng Israel ang kasunduan ng tigil-putukan sa Gaza Strip para mapigilan ang ibayo pang paglala ng kalagayan doon.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng Hamas na ayaw magpakilala, sa ilalim ng medyasyon ng mga opisyal ng Ehipto at United Nations (UN), narating ng Hamas at Israel ang naturang kasunduan nang araw ring iyon.
Pero ipinahayag ni Avigdor Lieberman, Ministrong Panlabas ng Israel, ang pagtutol sa naturang kasunduan ng tigil-putukan. Sinabi niya na ang kasunduang ito ay isang malubhang kamalian ng pamahalaan ng Israel, dahil hindi itinigil ng mga armadong tauhan ng Palestina sa Gaza Strip ang rocket attacks na nakatuon sa Israel.
Salin: Ernest