Nakipag-usap kahapon sa telepono si Pangulong Barack Obama ng Amerika kay Benjamin Netanyahu, Punong Ministro ng Israel hinggil sa kalagayan ng Gaza Strip. Nanawagan din si Obama sa Palestina at Israel na agarang itigil ang putukan.
Ayon sa pahayag ng White House, inulit ni Obama sa telepono na kinakatigan ng Amerika ang plano hinggil sa pagtigil ng putukan na iniharap ng Ehipto para mapatupad ang walang hanggang kapayapaan, batay sa kasunduan hinggil sa pagtigil ng putukan noong 2012.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang reaksyon ang Israel sa panawagan ng panig Amerikano.
Salin: Andrea