Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Palestina, itinatag ang bagong magkasanib na pamahalaan

(GMT+08:00) 2014-06-03 16:37:43       CRI

Nanumpa kahapon sa tungkulin ang magkasanib na pamahalaan ng Palestina sa Ramallah, ito ay isang palatandaan na opisyal na natapos ang 7 taong pagkakahiwalay ng Palestine National Liberation Movement (Fateh) at Palestinian Islamic Resistance Movement (Hamas), dalawang paksyon ng Palestina.

Binubuo ang bagong magkasanib na pamahalaan ng 17 miyembro, at lahat sila ay personaheng walang kinaaanibang partido. Sa kanyang talumpati sa telebisyon, sinabi ni Pangulong Mahmoud Abbas ng magkasanib na pamahalaan, na ang pagtatatag ng bagong pamahalaan ay palatandaan ng pagkakaisa ng Palestina, at natapos na ang pagkakahiwalay ng bansa.

Tungkol dito, ipinahayag ni Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel, na ang pagtatatag ng bagong magkasanib na pamahalaan sa Hamas ay nangangahulugang piniling tanggihan ni Abbas ang kapayapaan. Ayon sa pag-analisa, posibleng isasagawa ng Israel ang serye ng sangsyon hinggil sa pagtatatag nito.

Ipinahayag naman ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na nakahandang makipagtulungan ang kanyang bansa sa bagong pamahalaan ng Palestina at wala pa itong balak na itigil ang tulong sa Palestina.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>