Ayon sa ulat mula sa General Staff Department ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, hanggang kahapon ng hapon, ipinadala ng hukbong Tsino ang mahigit 7900 kawal ng PLA at Armed Police Force, mahigit 1900 kawal ng militia para isagawa ang gawaing panaklolo sa nilindol na lugar ng Ludian ng lalawigang Yunnan.
Bukod dito, ipinadala rin ng panig militar ng Tsina ang mahigit 860 sasakyan, at 10 helicopter sa nilindol na lugar.
Natuklasan at iniligtas ng naturang mga kawal ang mahigit 280 apektadong mamamayan, ipinagkaloob nila ang serbisyong medikal para sa mahigit 660 nasugatan at inayos ang pamumuhay ng mahigit 9580 mamamayang lokal.
Ayon pa sa naturang departamento, patuloy na isasagawa ng mga kawal ang paghahanap at pagliligtas sa mga apektadong mamamayan. Bukod dito, kukumpunihin nila ang mga landas patungo sa nilindol na lugar at sisiguruhin ang serbisyong pangkalusugan para maiwasan ang pagkakaroon ng epidemiya pagkatapos ng kalamidad.
Salin: Ernest