Ipinatalastas ng Pangkalahatang Himpilan ng Relief Work ng Lindol ng Yunnan na hanggang alas-5 kahapon ng hapon, 589 na ang naitalang patay sa lindol sa lalawigang Yunnan,Tsina, at mahigit 1 milyon ang apektado. Anito pa, kahit lampas na ang 72 hour na golden period ng pagliligtas, ang mga gawain ng paghahanap at pagliligtas ng mga buhay ay nagiging priyoridad pa rin.
Ayon pa sa ulat, napanumbalik na ang telekomunikasyon sa 90% ng purok na nilindol, at napanumbalik na rin ang suplay ng koryente sa 88% ng purok na ito.
salin:wle