|
||||||||
|
||
Sa ngalan ng Singapore Buddhist Lodge (SBL), nagtungo sa Pasuguan ng Tsina at nag-abuloy ng 100,000 Singapore dollar (80 US dollar) si Lee Bock Guan, Puno ng SBL para sa nilindol na probinsyang Yunnan at mahihirap na lugar ng Tsina.
Ipinahayag ni Lee ang pag-asang kalahati ng nasabing donasyon ay magagamit sa pagliligtas at rekonstruksyon ng mga nilindol na lugar ng Yunnan at ang matitira ay para sa pagbibigay-tulong sa mahihirap na lugar.
Ipinahayag ang pasasalamat sa SBL ng Pasuguang Tsino.
Ito ang ika-13 na donasyon ng SBL para sa mahihirap na lugar at mga pook na apektado ng kalamidad sa Tsina sapul noong 2002.
Noong ika-3 ng Agosto, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Ludian County, Zhaotong City ng Yunnan. 617 ang namatay sa lindol, 112 ang nawawala at mahigit 3,100 ang nasugatan. Umabot sa 61 bilyong yuan RMB (10 bilyong dolyares) ang kapinsalaang pangkabuhayan sa lokalidad.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |