Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa National Security Advisor ng Amerika

(GMT+08:00) 2014-09-10 09:54:57       CRI

Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Susan Rice, National Security Advisor ng Amerika.

Sa kanilang pagtagpo, inulit nila ang kahalagahan ng kooperasyon ng Tsina at Amerika at sinang-ayunan din ang pagpapasulong ng bilateral na relasyon sa pamamagitan ng matapat na diyalogo, pagpapalalim ng pagtitiwalaan, at pagkontrol ng mga hidwaan.

Kaugnay ng bilateral na kooperasyon, sinabi ni Pangulong Xi na malawak ang komong kapakanan ng dalawang bansa. Dapat palalimin ng dalawang bansa ang mga kooperasyon sa mga larangan na gaya ng kabuhayan, negosyo, pinansiya, imprastruktura, seguridad at kultura.

Sinabi naman ni Rice na nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangan na gaya ng pagpapalagayang pansibilyan, kabuhayan, at kalakalan.

Kapwa nilang ipinahayag na nakahanda ang dalawang bansa na isagawa ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga isyung panrehiyon at pandagidig.

Sa Informal APEC Economic Leaders' Meetings (IAELM ) na idaraos sa Tsina sa susunod na buwan, mag-uusap sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Barack Obama mula sa Amerika, hinggil sa bilateral na relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>