|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan ang serye ng pulong hinggil sa pagtutulungan ng Silangang Asya, sa Nay Pyi Taw.
Sa panahon ng pagdaraos at pagkatapos ng pulong, iniharap ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang proposal na itigil ang mga aksyon ng mga may kinalamang bansa sa South China Sea dahil sa matinding kalagayan sa karagatang ito.
Bilang tugon, sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na kayang-kaya ng kanyang bansa, kasama ang ASEAN, na pangalagaan ang kapayapaan sa South China Sea. Lumahok din si Wang sa nasabing mga pulong.
Ipinagdiinan ni Wang na sa kabuuan, nananatiling mapayapa ang kalagayan sa South China Sea, at walang problema sa malayang nabigasyon. Idinagdag pa niyang napagkasunduan ng Tsina at ASEAN, sa nasabing pulong na patuloy na tupdin ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) para marating ang Code of Conduct (COC) hinggil dito, sa lalong madaling panahon.
Kaugnay ng Triple Action Plan na iniharap ni Kalihim Albert del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, walang imik dito ang ibang kalahok na miyembrong ASEAN.
Kaugnay nito, sinabi ni Ministrong Wang na taliwas sa nasabing plano ang ginagawa ng pamahalaang Pilipino. Idinagdag pa ni Wang na tulad ng nabanggit ng Pilipinas sa plano, kailangang tupdin ng pamahalaang Pilipino ang DOC para marating ang COC.
Ipinahayag din ni Wang ang kahandaan ng Tsina na tanggapin ang anumang mungkahing may magandang hangarin at walang kinikilingan mula sa lahat ng mga may kinalamang panig sa isyu ng South China Sea. Pero, aniya, tutol na tutol ang Tsina sa mga mungkahi na maaaring magpasalimuot ng situwasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |