Paulit-ulit na binanggit kamakailan ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas ang pagsususog ng konstitusyon, bagay na parang magkaloob ng ginhawa para sa kanyang muling pangangampanya sa pagkapangulo. Kaugnay nito, ipinahayag ni Franklin Drilon, Pangulo ng Senato, na "walang oras" ang senato para hawakan ang umano'y isyu ng pagsususog ng konstitusyon.
Itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas na 6 na taon ang termino ng pangulo, at hindi dapat mangampanya sa susunod na termino. Nauna rito, kapuwa ipinahayag nina Drilon at Ispiker Feliciano Belmonte Jr. ng Mababang Kapulungan ang di-pagsang-ayon sa pagsususog sa tadhanang pulitikal ng konstitusyon.
Salin: Vera