Ayon sa ulat kahapon ng ABC News, ginawaran ang whistle blower na si Edward Snowden, tagapagbunyag ng "PRISM" project ng Estados Unidos (E.U.) ng "Right Livelihood Award" o kilala sa "alternative Nobel."
Isiniwalat kahapon ng Right Livelihood Award Foundation na ginawaran si Snowden ng award na ito dahil sa inilantad niya ang malaking pampamahalaang proyekto ng pag-momonitor ng Amerika na lumapastangan sa karapatang pantao. Ibinahagi naman ni Snowden ang award kay Alan Rusbridger, editor of British newspaper na The Guardian dahil inilathala nito ang mga artikulo batay sa mga dokumentong isiniwalat ni Snowden.
Itinayo ang "Right Livelihood Award" noong 1980 sa Sweden, upang magbigay ng gawad sa mga taong hindi pinansin ng Lupon ng Nobel Prizes kaya, tinatawag din ito bilang "alternative Nobel."
salin:wle