KABUL--Bilang espesyal na sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dumalo si Yin Weimin, Ministro ng Human Resources at Seguridad na Panlipunan ng Tsina, sa seremonyang inawgural ng bagong-halal na pangulo ng Afghanistan na si Ashraf Ghani Ahmadzai.
Ipinaabot ni Yin ang pagbati ni Pangulong Xi sa pangulong Afghan. Umasa aniya si Pangulong Xi na sa pamumuno ni Pangulong Ghani, maisasakatuparan ang matatag na transisyon ang Afghanistan at susulong patungo sa pambansang pagkakaisa ang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na makipagtulungan sa Afghanistan para mapasulong ang estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Ghani si Pangulong Xi sa pagpapadala ng espesyal na sugo. Umasa aniya ang kanyang administrasyon na maiaangat, kasama ang panig Tsino, ang relasyong Sino-Afghan sa bagong antas. Pinananabikan din niya ang patuloy na pagkatig ng Tsina sa rekonstruksyon ng Afghanistan.
Salin: Jade