|
||||||||
|
||
Ipinangako kahapon ng Tsina at Estados Unidos na magkasama silang magsisikap para sa paghahanda sa gaganaping pagbisita sa Beijing ni Pangulong Barack Obama ng Amerika para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting sa Nobyembre ng taong ito.
Ang kasunduang ito ay narating nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Kalihim ng Estado John Kerry ng Amerika, sa kanilang pag-uusap sa telepono.
Nakatakdang magtagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Obama sa sidelines ng APEC Meeting mula ika-11 hanggang ika-12 ng Nobyembre. Inaasahang maiaangat ng gaganaping pagtatagpo ang bagong uri ng relasyon ng dalawang bansa.
Sumang-ayon din sina Wang at Kerry na magpapatuloy ang kanilang pag-uugnayan para pasulungin ang pagdating ng komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran ayon sa takdang iskedyul.
Nangako rin silang magkasamang tutulungan ang mga bansang Aprikano sa pakikibaka laban sa epidemiya ng Ebola.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |