Idinaos kamakailan sa Macao ang Ika-8 Pulong ng Mga Ministrong Panturismo ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na inihandog ng Pambansang Ahensya ng Turismo ng Tsina at Macao Special Admiration Region. Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pagtatatag ng kooperasyong panturista ng Asia at Pasipiko, at pinagtibay ang deklarasyon ng Macao.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang Yang, Pangalawang Punong Ministro ng Tsina na noong isang taon, siyam sa sampung pinakamalaking pinaggagalingan ng mga turistang dayuhan ng Tsina ay mga kasapi ng APEC. At sa 10 pinakamalaking destinasyon ng mga turistang Tsino, 8 ay kasapi ng APEC. Sinabi pa ni Wang na nakahanda ang Tsina, kasama ng APEC, na isagawa ang komprehensibong kooperasyong panturista sa iba't ibang antas na kinabibilangan ng patuloy na pagpapasulong sa paglalakbay ng mga mamamayang Tsino sa rehiyon ng APEC, pagsasagawa ng promosyong panturista sa mga kasaping bansa ng APEC upang sila ay dumalaw sa pagsuporta sa mga may-kakayahang kompanya upang isla ay mamuhunan sa pagtatatag ng hotel, pagtayo ng iba pang imprastruktura sa mga kasapi, at iba pa.
Samantala, pinagtibay din sa pulong ang Deklarasyon ng Macao na nagsasabing dapat magsikap ang mga kasapi ng APEC para marating ang target na lalampas sa 800 milyong persontime. Ayon pa sa deklarasyon, hihimukin ng mga kasaping bansa ng APEC na patuloy na pasulungin ang pagpapasimple ng paglalakbay, at likhain ang mas maginhawang kapaligran sa integrasyon ng rehiyonal na pamilihan ng turismo.