|
||||||||
|
||
BEIJING, People's Daily—Idaraos sa Beijing ang Ika-22 Di-pormal na Pulong ng mga ng Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) mula ika-11 hanggang ika-12 ng buwang ito. Lalahok dito ang mga lider ng 21 miyembro ng APEC. Si Pangulong Hu Jintao ng Tsina ay mangungulo sa Pulong.
Ang APEC na itinatag noong 1989, ay ang porum ng pagtutulungang pangkabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko na may pinakamataas na lebel, pinakamalawak na saklaw, at pinakamalaking impluwensiya. Ang populasyon ng APEC ay katumbas ng 40% ng populasyon ng buong daigdig; ang GDP nito ay bumubuo ng 57% ng GDP ng buong daigdig at ang kalakalan nito ay katumbas ng 46% ng buong kalakalang pandaigdig. Malaki ang papel nito sa pagpapasulong ng magkakasamang kasaganaan ng Asya-Pasipiko.
Sa kasalukuyan, nahaharap ang buong mundo sa iba't ibang hamon. Bilang kabuhayan na may pinakamalaking populasyon at pinakamalaking GDP, kailangang ibayo pang magtulungan ang mga miyembro ng APEC para mapasulong ang Asya-Pasipiko na maging rehiyong may pinakamabilis na pag-unlad ng kabuhayan, pinakamasiglang pagtutulungan at pangunahing lakas para sa pagpapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig.
Bilang miyembro ng APEC, walang humpay na nagsisikap ang Tsina para mapasulong ang kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko sa pamamagitan ng sariling pag-unlad. Noong 2013, umabot sa 2.5 trilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng Tsina at iba pang miyembro ng APEC. Ang bilang na ito ay katumbas ng 60% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina. Walo sa unang sampung pinakamalaking trade partner ng Tsina ay miyembro ng APEC.
Ang kasalukuyang taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng APEC. Batay sa temang Magkakasamang Pagtatatag ng Asia-Pacific Partnership na Nakatuon sa Hinaharap, magkakasamang magtatalakayan ang mga miyembro ng APEC hinggil sa direksyon ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng rehiyon sa susunod na yugto. Kabilang sa mga pangunahing paksa ay ang pagpapasulong ng integrasyong pangkabuhayan ng Asya-Pasipiko, pagpapasulong ng pag-uugnayang panlupa, pandagat at panghimpapawid at konstruksyon ng imprastruktura, at pagpapasimula ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng rehiyon.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |