Idinaos kahapon dito sa Beijing ang Dialogue on Strengthening Connetivity Partnership.
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat palakasin ang kooperasyon sa Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road at palalimin ang connetivity partnership ng mga bansang Asyano.
Ipinalabas din sa pulong ang magkasanib na komunikeng nagsasabing ang connectivity ay magdudulot ng bagong lakas na tagapagpasulong sa kooperasyon at sustenableng kasaganaan ng Asya. Nagpahayag din ang komunike ng pagkatig sa pagtatatag ng Tsina at mga may kinalamang bansa ng Asian Infrastructure Investment Bank bilang mabuting komplemento sa World Bank, Asian Development Bank at iba pang umiiral na organong pinansyal.