Nakipagtagpo kagabi sa Beijing si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina kay John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos (E.U.), na kalahok sa Ika-26 na Pulong na Ministeryal ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Nagpalitan ang dalawang panig tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at gawain ng paghahanda para sa pagdalaw ni Pangulong Barack Obama ng E.U. sa Tsina.
Ipinahayag ni Wang na mataas na pinahahalagahan ng Tsina ang pagdalo ni Pangulong Obama sa APEC CEOs Meeting at kanyang dalaw-pang-estado sa Tsina. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang panig para maging matagumpay ang pagdalaw na ito ni Obama at pagtatagpo nila ni Pangulong Xi Jinping, upang pataasin ang relasyong Sino-Amerikano sa isang bagong antas.
Ipinahayag naman ni Kerry na nakahanda ang panig Amerikano na magsikap kasama ng panig Tsino para maigarantiyang matamo ang positibong bunga ng biyahe ni Obama, at mapasulong ang pagtatatag ng bagong relasyon ng dalawang bansa.