Binuksan ngayong araw sa Beijing ang 2014 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit. Bumigkas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas.
Sinabi ni Xi na sa kasalukuyan, nagkakaroon ang kabuhayang Tsino ng tunguhin ng matatag na pag-unlad, at ang bagong kalagayang ito ay ibayo pang magdudulot ng pagkakataong pangkaunlaran sa Tsina. Dagdag niya, ang pag-unlad ng Tsina ay magdudulot ng malaking pagkakataon at benepisyo sa Asya-Pasipiko at buong daigdig, at nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa ng rehiyong ito, na tupdin ang magandang pangarap ng Asya-Pasipiko.