Nag-usap kahapon sa telepono sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya hinggil sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at relasyon ng Tsina at Europa.
Ipinahayag ni Li ang mainit na pagtanggap sa pagdalaw ni Merkel sa Tsina sa taong 2015. Umaasa aniya siyang pasusulungin ang bagong progreso sa relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag din ni Merkel ang hangarin sa pagpapahigpit ng relasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay ng relasyon ng Tsina at Europa, inilahad ni Li ang kalagayan ng katatapos na ika-3 summit ng Tsina at Silangang Europa.
Ipinalalagay ni Merkel na ang kooperasyon ng Tsina at mga bansa sa Silangang Europa ay angkop sa kapakanan ng buong Europa. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na patuloy na pasusulungin ang relasyon ng Tsina at Europa.