Nakipag-usap kahapon sa Tianjin si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga dayuhang mangangalakal na lumahok sa ika-8 Summer Davos Forum.
Sinagot ni Li ang mga tanong hinggil sa patakarang pangkabuhayan ng Tsina, paglaban sa monopolyo, pandaigdigang responsibilidad ng Tsina, pangangalaga sa kapaligiran at patakaran ng pananalapi.
Ipinahayag ni Li na gagamitin ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para panatilihin ang matatag, mabilis at malusog na pag-unlad ng pambansang kabuhayan, pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan, igarantiya ang bukas at kompetetibong kapaligiran ng pamilihan, at likhain ang mas maraming pagkakataon para sa mga bahay-kalakal sa labas at loob na bansa.