NANAWAGAN si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa mga bansang limutin ang mga pangsariling interes sa halip ay pagtuunan ang mga suliranin ng daigdig.
Ito ang kanyang mensahe sa ginawang Vin D'Honneur na gumamit pa ng halimbawang mula kay Pope Francis na nanawagan sa madlang magtulungan upang malutas ang mga suliraning dulot ng climate change.
Hindi na malulutas ang mga problema kung mayroong parochial mindset sapagkat kailangan ang pagtutulungan ng lahat. May responsibilidad ang lahat upang masugpo ang terorismo at walang katiyakang kinabukasan.
Ipinaliwanag ni Pangulong Aquino na kung magkakanya-kanya ang mga bansa, walang anumang magbabago at malulutas.